Sunday, June 19, 2016

Shitake


Ang shitake ay unang kabute na natikman ko, at ever since isa na ito sa mga paborito kong pagkain.
Natatandaan ko nuong bata pa ako na madalas na magluto si itay ng mga chinese foods na may sangkap na kabuteng shitake. Ginagamit nya rin ito as "traditional chinese medicine".



Ayon sa Wikipedia, ang shitake ay isang kabuteng katutubo sa silangang asya, at libong taon ng nilinang at pinatubo bilang pagkain at bilang tradisyunal na gamot.

Napakaraming benepisyo ang handog ng shitake sa ating kalusugan lalo na sa mga nagkakaidad na tulad ko, hehehe nagkakaidad lang hindi tumatanda...

At kung interesado kang alamin ang mga ito : shitake 8 scientifically proven benefits ay isang magandang basahin.

Gusto ko sanang mag eksperimento mag patubo nito pero wala akong semilya ng shitake. Mayroon akong dry shitake and I was hoping I can make a culture out of it. Nag research ako about it pero not much information, so I decided to try if I can succeed...  I will document it in my case study 4.






No comments:

Post a Comment