Tuesday, June 21, 2016

Milky Mushroom


Kanina lang,
Tila isang morning erection ang bumuluga pagkasilip ko sa aking milky mushroom...


 What a beautiful creation of nature !
After  almost three week of waiting pagka-casing ko nito sa garden soil, isang tila malaking snowman ang nakatayo sa gitna na pinalilibutan ng kanyang maliliit na tsikiting...

Speaking of Milky mushroom, alam mo ba na ito ay orihinal na nanggaling sa India ?
Ito ay well adapted sa mainit na klima kaya akma sa panahon dito sa Pilipinas.
Ito rin ay may mahabang shelf life. Ito ay nananatiling sariwa halos ng isang linggo without refrigeration, at pwedeng ilagak sa ref sa loob ng 3 linggo !
At alam mo ba na ang pinakamalaking milky mushroom na inani dito sa Pilipinas ay may bigat na tatlong kilo !

Mark Spowart holding a 3-kilo Milky Mushroom.

 E, di Wow !






Sunday, June 19, 2016

Shitake


Ang shitake ay unang kabute na natikman ko, at ever since isa na ito sa mga paborito kong pagkain.
Natatandaan ko nuong bata pa ako na madalas na magluto si itay ng mga chinese foods na may sangkap na kabuteng shitake. Ginagamit nya rin ito as "traditional chinese medicine".



Ayon sa Wikipedia, ang shitake ay isang kabuteng katutubo sa silangang asya, at libong taon ng nilinang at pinatubo bilang pagkain at bilang tradisyunal na gamot.

Napakaraming benepisyo ang handog ng shitake sa ating kalusugan lalo na sa mga nagkakaidad na tulad ko, hehehe nagkakaidad lang hindi tumatanda...

At kung interesado kang alamin ang mga ito : shitake 8 scientifically proven benefits ay isang magandang basahin.

Gusto ko sanang mag eksperimento mag patubo nito pero wala akong semilya ng shitake. Mayroon akong dry shitake and I was hoping I can make a culture out of it. Nag research ako about it pero not much information, so I decided to try if I can succeed...  I will document it in my case study 4.






Welcome to the Strange World of Fungi


Nagising ako ngayong umaga at isang magandang mundo ang bumulaga sa aking nagmumutang mata...







Wow ! Beautiful... Welcome to the world of fungi, the mushrooms.
Dati, whenever fungi cross my mind I always relate to it as the bad guys. Tipong walang gagawing mabuti. Naghahatid ng katikati sa balat (fungi infections), sumisira ng pagkain at nakakalason kundi man nagbibigay ng maraming sakit sa madlang people...

Pero alam mo ba na ang Penicillin ay galing sa isang fungi ?!
At ang Amoxicillin, isang kilalang gamot (antibiotic) ay isang penicillin...

After more than a week of waiting finally I saw pin heads. What a beautiful sight !
Kay gandang umaga...


 Till then...






Thursday, June 16, 2016

Ang KABUTIhan na dulot ng KABUTE sa iyong kalusugan


Alam mo ba na ang kabute ay isa sa pinakamasarap, pinakamasustansya at pinakamababang kalorya pagkain ng tao. Ito rin ay may medisinal ding dulot sa pagtulong sa pagpapagaling sa sakit sa puso at alta presyon. At ito din ang mabisang pangontra laban sa kanser at diabetes.

Ang kabute ay itinuturing na isang SuperFood at punong puno ng vitamin D, Thiamine, Vitamin B6, Folate at Magnesium. Ito rin ay may sapat na dietary fibers, vitamin C, Riboflavin, Niacin, PantoThenic acid, iron, Phosporous, Potassium, Zinc, Copper, Calcium, Manganese at Selenium.... at marami pang iba. Whew, ang dami !
 (Source)

At alam mo ba na ito to rin ay isa sa itinuturing na pinakamahal na pagkain sa balat ng lupa ?!
Basahin mo... (Source) (Source2) (Source3)



Para sa KABUTIhan ng ating kalusugan, KABUTE ay matutunang kainin !

I LOVE 2 EAT MUSHROOM !


Gray Oyster Mushroom


My Gray Oyster Mushroom, nag umpisa ng sumilay kaninang umaga...

6.16.16 4AM
6.16.16 6AM
 Alam mo ba na ang Oyster Mushroom ay isa sa mas ordinaryong mushroom na kinakain ng tao. Ito ay unang itinanim sa Germany bilang pagkain ng mga sundalo nuong unang world war.

Ito rin ang isa sa mga paboritong alagang kabute sa buong mundo. Mas masarap itong kainin at dapat na anihin habang di pa gaanong kalakihan dahil kumukunat ito habang nagkakaidad.

 Pleurotus ostreatus on a dying sugar maple photographed on Dec. 11, 06. (http://bit.ly/1UA5P0n)




Monday, June 13, 2016

Welcome sa aking mundo ng kabute !

Ang Kabute, baw !

Ang Kabute ay isang fungi... ang amag ay isang fungi !
So, hindi lahat ng kabute ay nakakain, madami sa mga kabute ay nakakalason...

Pero alam mo ba na ang isa sa pinakamahal na pagkain ay isang kabute ?!
Ang  Italian White Alba Truffle na nagkakahalaga ng $160,000.